Sumapit na

(Forgive me for my errors in translating this poem, if you have a better english version of this poem you can comment it below)




Sumapit na itong araw Ng anihan 
Tahimik nanaman Ang lupang sakahan
Walang huni't tunog Ang dating palayan
Puno Ng dayami sa ilalim Ng buwan
Buwan Ng pag-ani dito sa'king bayan 
Ngunit tila baga walang kasiyahan
Na mababanaag sa mukha Ni Mang Juan
Pagkalumo't lugi kanyang naranasan
Walang halaga Ang pinaghirapan
Pagkat presyong tanso Ang butil na ginto

(Here comes the time for harvest)
(The ricefield is silent at last)
(The former muddy field is filled with a defeaning silence)
(Covered with straw under the moonlight)
(But no joy can be seen on Mang Juan's face)
(For he is Depressed over his losses)
(All his hard work were worthless)
(For the golden grain was priced like copper)

Sumapit na itong araw Ng anihan 
Araw na hinihintay at kinasisiyahan
Ng nagbungkal—nagtanim sa kanilang palayan
At Ng nagsipaghintay sa pagdating nitong buwan
Ngunit bakit panaghoy Ang aking naririnig?
Bakit buntong hininga Ang lumalabas sa bibig?
Bakit mayroong luha Ang kanilang mga Mata?
Bakit ba naghihirap Ang ating magsasaka?
Patuloy Ang pagluha nagdurusa Ang Masa
Pagkat presyong tanso Ang butil na ginto

(Here comes the time for harvest)
(The prized day that most awaited
(By those who tilled and planted)
(And those who waited for this month
(But why do I hear wails and lament?)
(What is the meaning behind their deep sighs?)
(Why do they have tears on their eyes?)
(They keep on crying, the Mass is suffering)
(For the golden grain was priced like copper)

Sumapit na itong araw Ng pag-aani
Ngunit Ang mga buwitre parin ay Ang naghahari
Sila na mga palalo Ang nakaupo sa p'westo
Lumilikha Ng batas na Hindi makatao
Sila ay mga pasanin na sa Masa ay pabigat
Buksan Ang iyong isipan mga Mata ay imulat
Taripa ay Hindi sagot na tatanggapin Ng lahat
Kundi Ang pagrereporma at pagsuporta sa salat
Makibaka at sumama magkaisa tayong lahat
Pagkat presyong tanso Ang butil na ginto

(Here comes the time for harvest)
(Yet the vultures still reigns)
(There in their thrones they are still sitted)
(Creating laws that are inhumane)
(A huge load that burdens the masses)
(A vulgar waste of resources)
(Please open your mind and eyes)
(Tariff is the answer not accepted)
(By the people themselves)
(Only reforms and support for the oppressed)
(Can give them satisfaction and assurance)
(Unite and join the struggle)
(For the golden grain was priced like copper)

Sumapit na itong araw Ng pag-aani
Kaya't Ang kamalayan Ang dapat na maghari
Hindi suntok sa sa buwan Ang paghakbang pasulong
Tayo ay makiayon, sumama sa daluyong 
Para sa masang api — sambayang Pilipino
Patuloy na magsikap hanggang kanilang madinig
Ang ating mga boses isigaw Ng malakas
Pagkat presyong tanso Ang butil na ginto

(Here comes the time for harvest)
(Proper awareness now should reign)
(A forward advance is not impossible)
(To not let our cause in vain)
(Join the surge)
(Dedicated for the opressed masses—the Filipino masses)
(Go and Shout with all your might)
(For the golden grain was priced like copper)

Sumapit nanaman Ang araw Ng pag-aani
Sarili'y tanungin at Iyong alamin
Pangakong taripa saan gagamitin?
Kung Ang magsasaka sa ataul nakahimbing?
Taripa'y aanhin Kung Ang magsasaka'y—
Wala Ng makain
Pagkat presyong tanso Ang butil na ginto

(Here comes the time for harvest)
(Ask yourself)
(Of what use is tariff?)
(If the farmer is already dead?)
(What's the use of tariff)
(If the farmers has no food to eat)
(For the golden grain was priced like copper)

Comments

Post a Comment

Thank you for all your support and insights, please subscribe to my blog if you want to be updated Everytime I post a new article ❤️❤️❤️.